top of page

Macacua: Sa MR-SIA 2026, hindi puwedeng “pwede na.” Dapat kumpleto, tama, at nasa tamang oras

  • Jan 19
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa kanyang pahayag, sinabi ni Interim Chief Minister Abdulraof Macacua na ang paglulunsad ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity o MR-SIA 2026 ay nagsisilbing malinaw na paninindigan ng pamahalaan ng Bangsamoro para sa kapakanan ng mga bata.


Ayon kay Macacua, sa MR-SIA 2026 ay hindi maaaring pairalin ang mentalidad na “pwede na.” Aniya, dapat ay kumpleto, tama, at nasa tamang oras ang pagbabakuna upang masiguro ang sapat na proteksyon ng bawat bata laban sa mga sakit na maiiwasan naman sa pamamagitan ng bakuna.


Binigyang-diin din ng Interim Chief Minister na ang pag-uuna sa kalusugan ng kabataan ay direktang pag-uuna rin sa kapayapaan at sa kinabukasan ng Bangsamoro. Para kay Macacua, ang isang malusog na henerasyon ang pundasyon ng isang matatag at mapayapang rehiyon.


Nanawagan siya sa mga magulang, health workers, at buong komunidad na magkaisa at kumilos nang maaga at magkakasama upang matiyak ang tagumpay ng kampanya.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page