top of page

MAFAR, isusulong ang crop diversification sa rehiyon upang patatagin ang kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda sa Bangsamoro

  • Jan 22
  • 2 min read

iMINDSPH


Hindi na sapat ang iisang tanim sa iisang lupa. Ito ang mensaheng patuloy na itinutulak ng Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform o MAFAR—isang estratehiyang layong gawing mas matatag ang kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda sa Bangsamoro.


Ngayong taon, itutulak ng MAFAR ang crop diversification.


MINISTER ABUNAWAS MASLAMAMA

MAFAR BARMM

In fact kung meron kang lupa na matataniman, subukan natin. Pwede natin sila i-counter part, for instance yung lupa na saknila, then tulungan natin sila doon sa kailangan nila, meon nang nakakaalam, meron pa ring di nakakaalam.

Contiues lang itong kuan natin ang pagdidisseminate sa mga farmers natin specially doon sa mga remoted na areas, hindi masyado nakaka access doon sa mga technology. Kaiangan nating kuan ma double time na ma program natin sila.

The moment na meron na silang ma counterpart at ready na sila, may konteng seminar. That will the moment na pwede na silang mag start.

Halimbawa yung lupa, yung labor of course sila din mag trabaho,kay para rin sa kanila yun diba? Iiba nila ang counterpart ng labor.

Ang labor nila, halimbawa ang mga puno, mga seedlings something like that.


Ayon sa MAFAR, matagal nang programa ang crop diversification—isang pamamaraan kung saan hindi lang iisang pananim ang itinatanim sa isang lupa. Layunin nitong bawasan ang panganib sa kabuhayan ng magsasaka.


Halimbawa, sa isang lupang may saging, maaari ring magtanim ng kape, bayabas, o durian. Kapag pumalya ang isang pananim, may iba pang maaasahan.


Ayon sa MAFAR, napatunayang epektibo ang ganitong sistema laban sa climate risks at pabago-bagong panahon.


MASLAMAMA

Hindi lang ito bago, pero continuesly program ng mafar,doon sa mentality or mindset ng ating mga farmers na isang craft lang, ginawa natin na mag karoon sila ng mas maganda yung maraming craft ang itatanim in one land (isang lupa) kung failure ang isang craft, yung iba naman ay okay o succeess.

Example meron kang saging pero may coffee doon sa pamamagitan ng saging, meron pang mga bayabas doon, meron pang mga durian doon.

So yun ng craft diversification, ibig sabihin, very very effective.


Ang MAFAR ang isa sa labinglimang ministries ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslimin Mindanao.


Ang ministry ang isa sa mga nagtala ng underspending ng kanilang pondo.


Ngayong taon, tinitiyak ni Minister Maslamama na maisasakatuparan ang lahat ng funded program.


MASLAMAMA.

Ibig sabihin na ung marami ang programa mo, marami ding budget ang magamit mo. Ibigsabihin itong how many years since 2019 untill 2025 ay kulang ang programa kaya mayroong unutelised na funding ang MAFAR.

Maliban doon mayroon ding ibang source ang funding hidi lamang doon sa regular sa GAAB pati sa national so maraming pera.

Meron meron.. then yung hiring na kuan din namin. Kaya lang kaya hindi kami naka request ng additional na funding sa pagkat logical naman. Bakit ka mag request ng funding na hindi mo man naubos yung ilang mga...

Accumudated yun kasi 2019,2020,21,22,23 naipon ipon... Ako, hindi na akonag salita, mahiya na ako mag hingi ng dagdagan ang budget namin. Kasi siguradong mag sagot sila ng bakt ka maghingi ng budget? Hindi mo naman na ubos.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page