top of page

MAFAR–Maguindanao, lumahok sa public consultation sa BTA Bill No. 102

  • Diane Hora
  • Jan 16
  • 1 min read

iMINDSPH

Sa ginanap na public consultation hinggil sa Proposed BTA Bill No. 102, aktibong lumahok ang Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform (MAFAR)–Maguindanao.


Enero 13, 2026 ng ikasa ang konsultasyon na naglalayong hatiin ang kasalukuyang MAFAR sa tatlong magkakahiwalay na ahensya.


Pinangunahan ni Provincial Director Dr. Ronjamin Maulana ang paglahok ng MAFAR–Maguindanao sa konsultasyon, kung saan tinalakay ang panukalang lumikha ng Bangsamoro Ministry of Agriculture (B-MOA), Bangsamoro Ministry of Fisheries and Aquatic Resources (B-MFAR), at Bangsamoro Agrarian Reform Office (BARO). Layunin ng panukalang batas na mapahusay ang pokus at kahusayan ng bawat sektor sa agrikultura, pangisdaan, at repormang agraryo sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).


Ipinahayag ni Director Maulana ang suporta ng MAFAR–Maguindanao sa panukala at binigyang-diin ang kahalagahan ng aktibong partisipasyon ng Provincial Office sa proseso ng manpower restructuring, lalo na sa antas ng munisipyo.


Ayon sa kanya, mahalagang matukoy ang angkop na bilang at uri ng mga kawani sa lokal na antas dahil sila ang pangunahing tagapaghatid ng serbisyo sa mga magsasaka, mangingisda, at benepisyaryo ng repormang agraryo.


Ang isinagawang public consultation ay nagsilbing plataporma upang marinig ang pananaw at rekomendasyon ng mga stakeholder at upang mapabuti pa ang panukalang batas bago ito tuluyang maisabatas bilang bahagi ng patuloy na reporma sa serbisyong pampubliko sa Bangsamoro.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page