top of page

MAFAR- Maguindanao, Namahagi ng Coffee at Fruit Tree Seedlings bilang pakikiisa sa ika -7th foundation anniversary ng BARMM

  • Jan 16
  • 2 min read

iMINDSPH


Layunin ng aktibidad na palakasin ang sektor ng agrikultura sa lalawigan sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga de-kalidad na punla ng kape, durian, at lansones sa mga benepisyaryo, partikular ang mga magsasaka at mga organisasyong pang-agrikultura. Ito ay bahagi ng patuloy na programa ng MAFAR na naglalayong itaguyod ang sustainable agriculture, food security, at dagdag-kabuhayan sa mga komunidad.


Kasabay ng pamamahagi ng mga nasabing punla, nagkaroon rin ng šŽš«š¢šžš§š­ššš­š¢šØš§ šØš§ šš«šØš©šžš« šš„ššš§š­š¢š§š  ššš§š šŒššš§ššš šžš¦šžš§š­ šØšŸ š…š«š®š¢š­ š“š«šžšžš¬, kung saan ipinaliwanag ng mga agricultural technicians ang tamang paraan ng paghahanda ng lupa, wastong pagtatanim, tamang distansya ng mga punla, at pangangalaga sa mga punong-prutas upang matiyak ang mataas na survival rate at masaganang ani.



Ang aktibidad ay pinangunahan nina Provincial Director Dr. Ronjamin Maulana, Assistant Provincial Director for Maguindanao Del Sur Saudi Mangindra, Senior Agriculturist Muhaimin Ali, MAFAR Municipal Officers(MMOs), MAFAR-BARMM, RDE Director Tong Abas at iba pang mga kawani ng MAFAR-Maguindanao.


Dinaluhan ang pamamahagi ng mga punla ng 74 na kooperatiba na mga magsasaka mula sa iba’t ibang munisipalidad ng lalawigan na masiglang tumanggap ng tulong bilang suporta sa kanilang kabuhayan at produksyon sa agrikultura.

Sa kabuuan, nakapamahagi ang MAFAR–Maguindanao ng mga punla sa ilalim ng GAAB 2024 at GAAB 2025.


Sa ilalim ng GAAB 2024, nakalaan ang 15,000 punla ng lansones (Longkong variety) at 17,000 punla ng durian (Puyat variety), habang sa GAAB 2025 naman ay nakapaloob ang pamamahagi ng 30,000 punla ng kape (Robusta variety) at 30,000 punla ng durian (Puyat variety) para sa mga benepisyaryong magsasaka

sa lalawigan.


Ang aktibidad ay isinagawa bilang pakikiisa sa selebrasyon ng ika-7 Foundation Anniversary ng BARMM sa darating na Enero 21, 2026, na sumasalamin sa adhikain ng rehiyon na itaguyod ang pangmatagalang kaunlaran para sa lahat ng Bangsamoro.


Patuloy na hinihikayat ng MAFAR–Maguindanao ang aktibong pakikilahok ng mga magsasaka at lokal na pamahalaan upang mas mapalawak pa ang mga programang pang-agrikultura na magsusulong ng kaunlaran, kapayapaan, at kasaganaan sa lalawigan.

Ā 
Ā 
Ā 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page