Mag-anak, pinagbabaril sa Nalinan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, 2 patay 1 sugatan
- Teddy Borja
- Sep 3
- 1 min read
iMINDSPH

Tatlo ang nasawi at isang labing isang taong gulang na bata ang sugatan nang pagbabarilin ang mag-anak habang sakay ng payong-payong sa Nalinan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte
Nasawi sa pananambang ang driver na si Ibrahim Payapat, 26-anyos, residente ng Pansacala, Cotabato City.
Dead on the spot din ang 16 years old na si Aisa Kusain Payapat habang dead on arrival sa ospital ayon sa awtoridad si Zenaida Kusain, 32-anyos.
Nagpapagaling naman sa pagamutan ang 11 anyos na si alyas “Makmak”.
Naganap ang pamamaril alas 12:30 ng tanghali, araw ng Lunes.
Sa imbestigasyon ng awtoridad, patungo ng Cotabato City ang mga biktima nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek sa Barangay Nalinan, Sultan Kudarat.
Sampung fired cartridge cases ang narekober sa crime scene.



Comments