MAG-ASAWA, TIMBOG sa anti-illegal drug operation sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte; Hinihinalang shabu at baril, nasamsam
- Apr 14
- 1 min read
iMINDSPH

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas “Gemma”, 28 anyos, at alyas "Usop", 33 anyos, kapwa high-value individuals at mag-asawa, residente ng Brgy. Limbo.
Sa operasyon, nakabili ang poseur buyer ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na isang kilo at may halagang humigit-kumulang ₱6,800,000.
Agad na inaresto ang mga suspek matapos ang transaksyon, at sa isinagawang search, narekober ang buy-bust money na ₱1,000, limang bundle ng pekeng pera, isang caliber 9mm pistol, isang magazine, at tatlong bala, pati iba pang gamit.
Isinagawa ang buy-bust operation bandang 4:50 PM, araw ng Lunes, ng Sultan Kudarat Municipal Police Station katuwang ang 42nd Special Action Company, EOD Force Support Battalion, 4th Special Action Battalion, PIU MDN PPO, PPDEU 7IB Philippine Army, at 1401st RMFB 14-A, sa koordinasyon ng PDEA.
Matapos ang dokumentasyon at inventory, dinala ang mga suspek at ebidensya sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.
Inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 laban sa mga suspek.



Comments