top of page

MAGIGING BATAS PA RIN!

  • Diane Hora
  • Aug 29
  • 2 min read

iMINDSPH


ree

Kapag naipasa ang isang panukalang batas sa Parliament, tulad ng Bangsamoro Parliamentary Redistricting Act of 2025 o Bangsamoro Autonomy Act No. 77, pipirma man umano o hindi ang Chief Minister, magiging batas pa rin ito. Ito ang nakasaad na probisyon sa Bangsamoro Organic Law o BOL ayon kay BTA Deputy Floor Leader Atty. Rasol Mitmug Jr.


Naging masalimuot ang usapin sa pagsasabatas ng Bangsamoro Parliamentary Redistricting Act of 2025 o ang Bangsamoro Autonomy Act No. 77.


Ito’y matapos lagyan ng salitang “For” at nilagdaan ni BTA Senior Deputy Speaker Atty. Nabil Tan ang pangalan ni BTA Speaker Pangalian Balindong sa labing isang pahinang batas.


Kinwestiyon ni Speaker Balindong ang hakbang at sinasabing wala itong pahintulot sa kanya at isa itong labag sa batas kaya wala aniyang bisa ang nilagdaang batas.


Naglabas din ng pahayag si BTA Senior Deputy Speaker Tan at sinabing Valid at Legally Effective ang BAA No. 77.


Bagama’t aminado si Deputy Speaker Tan na pinirmahan niya ang dokumento ng walang written permission ni Speaker Balindong, naniniwala ito na ang hakbang ay pinahihintulutan sa ilalim ng Parliament Rules.


Kapag naipasa ang isang panukalang batas sa Parliament, tulad ng Bangsamoro Parliamentary Redistricting Act of 2025 o Bangsamoro Autonomy Act No. 77, pipirma man umano o hindi ang Chief Minister, magiging batas pa rin ito.


Nakasaad din ayon kay BTA Deputy Floor Leader Mitmug ang salitang “Effective Immediately” sa nilagdaang batas.


Sa enactment ng BAA No. 77, inamiyendahan nito ang Bangsamoro Autonomy Act No. 58 o ang Bangsamoro Parliamentary Districts Act of 2024.


Sa ilalim ng bagong batas, nire-apportion ang pitong Parliamentary District Seats na dati ay laan sa lalawigan ng Sulu.


May mga barangay din at bayan ang nalipat sa ibang distrito sa bagong nilagdaaang batas.


Pero nakasaad sa new redistricting law na ang mga aspirants para sa 2025 BARMM Parliamentary Elections na naghain ng kanilang Certificate of Candidacy (COC), mananatiling kandidato ang mga ito sa distrito kung saan sila orihinal na nag-file ng kanilang kandidatura.


Ito ay kahit nailipat ang kanilang barangay o bayan sa ibang distrito

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page