top of page

MAGKAPATID, TIMBOG Sa ikinasang buy-bust operation ng awtoridad; Halos ₱2 Million na halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam

  • Mar 2
  • 1 min read

iMINDSPH



Arestado ang dalawang magkapatid na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga sa isang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakasamsam ng tinatayang halos dalawang milyong pisong halaga ng shabu.


Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Aj”, at “Batwan”, edad 20 at 21, parehong high-value drug suspects, at kapwa residente ng Mandurriao, Iloilo City.


Nakumpiska sa operasyon ang humigit-kumulang 280 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang Standard Drug Price na ₱1,904,000.00, pati na rin ang marked money at iba pang kagamitan na ginamit umano sa ilegal na aktibidad.


Isinagawa ang operasyon matapos ang ilang linggong surveillance at impormasyon mula sa concerned citizens.


Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na may parusang habambuhay na pagkakakulong at mabigat na multa.


Patuloy ang imbestigasyon at paghahanda ng kaukulang kaso laban sa mga suspek.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page