MAGSASAKA, ARESTADO! Matapos makuhanan ng tinatayang ₱102,000 suspected shabu sa Barangay Pimbalayan, Lambayong, Sultan Kudarat
- Mar 23
- 1 min read
iMINDSPH

Kinilalang ang suspek sa alyas na “Shawn”, 36-anyos, may-asawa. Naaresto ito matapos ang isinagawang search warrant operation ng Lambayong Municipal Police Station.
Nasamsam sa operasyon ang tatlong sachets ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 15 gramo.
Isinagawa ang operasyon katuwang ang South Cotabato Police Drug Enforcement Unit at mga elemento ng 23rd Mechanized Company ng Philippine Army.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Lambayong Municipal Police Station ang suspek habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments