top of page

MAGSASAKA, ARESTADO sa buy-bust operation ng awtoridad sa Kapatagan, Lanao del Norte

  • Apr 9
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa Lanao del Norte —

Arestado ang isang magsasaka sa isinagawang buy-bust operation sa Kapatagan. Kinilala ang suspek sa alyas na “Jun”, 29 anyos, residente ng Kapatagan.


Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang Kapatagan Municipal Police Station katuwang ang Regional Mobile Force Battalion 10, Provincial Mobile Force Company, at PDEA.


Sa naturang operasyon, matagumpay na nakabili ang poseur buyer ng isang sachet ng hinihinalang shabu, na naging dahilan ng agarang pag-aresto sa suspek.


Sa isinagawang body search, narekober mula sa suspek ang tatlong karagdagang sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 1.1 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng ₱7,480, kasama ang buy-bust money na ₱500 at isang plastic container.


Ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya habang inihahanda ang kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Samantala, dinala na sa forensic unit ang mga nakumpiskang ebidensya para sa pagsusuri.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page