top of page

MAGSASAKA, ARESTADO Sa Malapatan, Sarangani Province sa kasong Illegal Possession of Firearms and Ammunition

  • Mar 6
  • 1 min read

iMINDSPH


Kinilala ang akusado sa alyas na “Gulmang”, 60-anyos, may asawa, at residente ng Sitio Kiame, Barangay Kinam, Malapatan, Sarangani Province.


Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 28 (a) ng Republic Act 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition sa ilalim ng Criminal Case No. 04355-25.


Marso 2, 2026 nang isilbi ng pinagsanib na operatiba ng Malapatan Municipal Police Station, Sarangani Police Provincial Office–Provincial Intelligence Unit, RIU 12, at CIDG-Sarangani ang warrant of arrest laban sa akusado sa loob ng Malapatan District Jail.


Ang nasabing warrant ay inilabas ng Regional Trial Court Branch 48, 12th Judicial Region noong Enero 9, 2026.


Sa kasalukuyan, nananatili ang akusado sa kustodiya ng Malapatan District Jail para sa kaukulang proseso ng batas.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page