Magsasaka at construction worker sa Koronadal City, arestado sa buy-bust operation
- Teddy Borja
- Sep 12
- 1 min read
iMINDSPH

Tiklo ang isang magsasaka at isang construction worker sa buy-bust operation ng awtoridad.
Kinilala ang mga naaresto sa alyas na “Akyat”, 42-anyos at alyas “Toto”, 29 years old.
Hinuli ang mga ito, araw ng Huwebes, September 11, sa Purok Bagong Pag-asa, Brgy. GPS, Koronadal City.
Nakumpiska sa mga ito ang dalawang heat-sealed sachets ng suspected shabu na may kabuuang timbang na 8 gramo at nagkakahalaga ng 54,400 pesos.



Comments