top of page

MAGSASAKA, BINARIL NG KAPWA MAGSASAKA, PATAY Sa Barangay Bongued, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte

  • Mar 10
  • 1 min read

iMINDSPH



Naganap ang pamamaril, araw ng Lunes, March 9 sa Barangay Bongued ng bayan.


Kinilala ang biktima sa alyas na “Ben”, may asawa, at residente ng nasabing barangay.


Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente bandang 3:45 ng hapon ngunit naiulat lamang sa Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station (DOS MPS) bandang 4:30 ng hapon matapos makatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen.


Agad na rumesponde ang mga tauhan ng pulisya, kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP), sa lugar ng insidente na inilarawang isang liblib na bahagi ng barangay.


Sa paunang imbestigasyon, lumabas na kapwa galing sa mosque matapos ang Asr o afternoon prayer ang biktima at ang suspek na kinilalang si alyas “Polo”, residente ng parehong barangay.


Ilang sandali matapos ang pagdarasal, umano’y bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang biktima, bago tumakas patungo sa hindi pa matukoy na direksyon.


Dinala pa sa Datu Odin Sinsuat District Hospital ang biktima upang mabigyan ng agarang lunas, ngunit idineklara itong dead on arrival (DOA) ng attending physician.


Agad namang nagsagawa ng ocular investigation ang mga rumespondeng pulis sa pinangyarihan ng insidente.


Inilunsad na rin ng pulisya ang hot pursuit operation upang matukoy at madakip ang suspek na kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad. Patuloy ding kinakausap ng imbestigador ang mga posibleng saksi upang makatulong sa paglilinaw ng pangyayari.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page