top of page

MAGSASAKA, KALABOSO Sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Naga, Zamboanga Sibugay

  • Mar 11
  • 1 min read

iMINDSPH



Arestado ang isang 58-anyos na lalaki, may asawa, at isang magsasaka na kasalukuyang residente ng Grandmelan Subdivision, Barangay Guitoan, Ipil, Zamboanga Sibugay.


Ang suspek ay nadakip sa bisa ng warrant of arrest para sa paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, sa ilalim ng Criminal Case No. 21-1417 na inilabas noong November 11, 2005 ng Regional Trial Court Branch 21 sa Kapatagan, Lanao del Norte. Walang inirekomendang piyansa para sa nasabing kaso.


Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng Sapad Municipal Police Station Tracker Team at Naga Municipal Police Station.


Dinala na ang suspek sa Sapad Municipal Police Station para sa tamang disposisyon at dokumentasyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page