Magsasaka na drug suspect, arestado sa Cotabato City; Hinihinalang shabu, nasamsam
- Teddy Borja
- Feb 4
- 1 min read
iMINDSPH

Kinilala ang naarestong indibidwal na si alyas “Boy”, 20-anyos, binata, magsasaka, at residente ng Bolocaon, Picong, Lanao del Sur.
Naaresto ang suspek matapos umano nitong magbenta sa police poseur buyer ng isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱500.00 at may timbang na humigit-kumulang 0.08 gramo.
Nasamsam din mula sa suspek ang isang ₱500 na marked money na ginamit sa transaksyon.
Ang suspek ay sasailalim sa drug test, habang ang mga nakumpiskang hinihinalang ilegal na droga ay ipinadala sa PNP RFU-BARMM para sa laboratory examination.
Kasalukuyang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa suspek sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments