Magsasaka na drug suspect, timbog sa buy-bust operation sa Cotabato City
- Teddy Borja
- Feb 2
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang magsasaka sa isinagawang buy-bust operation ng awtoridad sa Barangay Rosary Heights 4.
Kinilala ang suspect sa alyas na “Boy”, 20 anyos, binata at residente ng Bolocaon, Picong, Lanao del Sur.
Isinagawa ang buy-bust operation alas-5:00 ng hapon, February 1, 2026, ng mga tauhan ng PS2–Cotabato City Police Office Special Drug Enforcement Team, sa pangunguna ni PCPT Anuar Mambatao, Station Commander.



Comments