top of page

Magsasaka na Most Wanted Person sa kasong 3 counts of rape, naaresto sa joint manhunt operation

  • Teddy Borja
  • Jan 28
  • 1 min read

iMINDSPH



Tiklo ang isang magsasaka na Most Wanted Person na nahaharap sa 3 counts of rape sa isinagawang joint manhunt operation.


Kinilala ang suspek sa alyas na “Jhon”, 47 taong gulang, may asawa, isang magsasaka at residente ng Barangay Central Glad, Midsayap, Cotabato.


Inaresto ang suspek sa bisa ng umiiral na warrant of arrest para sa kasong 3 counts of rape, sa ilalim ng Criminal Case Nos. 74,981-2013; 74,982-2013; at 74,983-2013 na inisyu ng Regional Trial Court Branch 33, Davao City, na may kautusang walang inirekomendang piyansa.


Ang suspek ay pansamantalang nasa kustodiya ng Midsayap Municipal Police Station para sa booking procedures at medical at physical examination, at kalaunan ay ililipat sa DCPO Station 12, Marilog District, PRO 11 para sa wastong disposisyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page