Magsasaka na nahaharap sa kasong murder, arestado sa Cotabato City sa bisa ng Warrant of Arrest; Medical technologist at isa pang magsasaka,hinuli rin matapos makuhanan ng baril
- Teddy Borja
- Oct 20
- 1 min read
iMINDSPH

Inaresto pasado alas 9:00 ng umaga kanina ang isang alyas “Berdugo”, 29 years old sa Poblacion 9, Cotabato City. Ito ay matapos isilbi ng awtoridad ang Warrant of Arrest
Ang suspek na residente ng Crossing Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte ay nahaharap sa kasong murder.
Ang Warrant of Arrest ay inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 28, Midsayap, North Cotabato noong Enero 3, 2022.
Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso.
Sa kasagsagan ng pagsisilbi ng Warrant of Arrest, inaresto rin ng awtoridad ang isang Medical Technologist, na residente ng Crossing Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte at isa pang magsasaka, residente ng Sitio Robusta, Barangay Balut, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte.
Ayon sa aworidad, lumabag ang mga ito sa R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).
Nasamsam umano mula sa kanilang pag-iingat at kontrol ang isang caliber .45 Colt MKIV Series 80 na may magasin at walong (8) bala; at isang caliber .45 Armscor na may magasin at pitong (7) bala.
Dinala na sa Police Station 2 ang dalawang nahuli para sa kaukulang imbestigasyon at dokumentasyon, habang si alyas “Berdugo” ay dinala na sa Pikit Municipal Station habang ang mga nakumpiskang baril at bala ay isusumite sa Regional Forensic Unit-BAR para sa ballistic examination at tamang kustodiya.



Comments