Magsasaka na Top 10 Most Wanted ng PNP PRO 12, arestado sa Koronadal City, South Cotabato
- Teddy Borja
- Oct 16
- 1 min read
iMINDSPH

Tiklo ang isang magsasaka na kabilang sa listahan ng Top 10 Most Wanted Regional Level ng PNP PRO 12.
Inaresto ang suspek na kinilala sa alyas na “Berto” alas 2:45 ng hapon, araw ng Martes, October 14 sa Barangay Sto. Niño, Koronadal City, South Cotabato.
Hinuli ito sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, 12th Judicial Region, Branch 20, Tacurong City, Sultan Kudarat.
Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso.
Dinala na sa Lutayan MPS ang suspek para sa documentation at proper disposition.



Comments