Magsasaka na Top 7 Most Wanted ng Lanao del Sur at nahaharap sa kasong statutory rape, arestado
- Teddy Borja
- Sep 29
- 1 min read
iMINDSPH

Napasakamay ng awtoridad ang isang magsasaka na Top 7 Most Wanted Person ng probinsya na nahaharap sa kasong statutory rape.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Sambitory”, residente ng Barangay Bubonga-Uyaan, Madamba.
Inaresto ito sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, 12th Judicial Region, Branch 9, Marawi City na may petsa na October 17, 2024.
Hawak ng awtoridad ang suspek para sa tamang disposisyon at dokumentasyon.



Comments