Magsasaka na Top 8 Most Wanted Person Regional Level, arestado sa Tupi, South Cotabato sa kasong murder
- Teddy Borja
- Jan 27
- 1 min read
iMINDSPH

Himas rehas ang isang magsasaka na Top 8 Most Wanted Person sa rehiyon matapos masakote ng awtoridad sa kasong Murder.
Kilala ang suspect sa alyas na “Benj”, 35 taong gulang, at may asawa. Ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Murder na inisyu ng Regional Trial Court, 12th Judicial Region, Polomolok, South Cotabato, na may petsang June 22, 2022.
Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Tupi Municipal Police Station, South Cotabato Police Provincial Office, at iba pang support units ng Police Regional Office 12.
Dinala ang akusado sa Tupi Municipal Police Station para sa wastong dokumentasyon at kaukulang legal na disposisyon.



Comments