top of page

Magsasaka na Top 9 Most Wanted ng Region XII na nahaharap sa kasong rape, timbog sa ikinasang joint law enforcement operation sa Banisilan, Cotabato

  • Teddy Borja
  • Sep 3
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Bumagsak sa kamay ng awtoridad ang isang magsasaka na Regional Top 9 Most Wanted Person sa isinagawang joint law enforcement operation.


Kinilala ang naaresto sa alyas na “Neil”, 33-anyos, magsasaka at residente sa Barangay Malinao ng bayan.


Inaresto ito alas 2:01 ng hapon, araw ng Lunes, September 1 sa Barangay Wadya, Banisilan.


Isinagawa ang operasyon sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder, na inilabas ni Judge Kristopher Navales ng Regional Trial Court, Branch 18, Midsayap, Cotabato na may petsa na May 19, 2025.


Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng Banisilan MPS ang naarestong akusado para sa tamang disposisyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page