top of page

Magsasaka na wanted person, arestado ng awtoridad matapos isilbi ang warrant of arrest kaugnay sa kasong estafa at paglabag sa Cybercrime Prevention Act

  • Jan 2
  • 1 min read

iMINDSPH


Timbog ang isang magsasaka na wanted person matapos isilbi ng awtoridad ang warrant of arrest sa kasong Estafa at paglabag sa Cybercrime Prevention Act.

Ang suspek ay isang 59-anyos na lalaki, may asawa, at residente ng naturang barangay.


Ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng Criminal Case No. 101-2025-C para sa Estafa na may kaugnayan sa Section 6 ng Republic Act 10175, at Criminal Case No. 102-2025-C para sa paglabag sa Section 4(b)(2) ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.


Ang warrant of arrest ay inisyu ng Regional Trial Court Branch 25, Tabuk City, Kalinga, April 25, 2025.


Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Sultan Mastura Municipal Police Station para sa dokumentasyon, habang inihahanda na ang pagbalik ng warrant para sa pagpapalabas ng commitment order ng korte.


Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Sultan Mastura Municipal Police Station sa pamumuno ni PCMS Al-muadz Panda, sa ilalim ng superbisyon ni PMAJ Fhaeyd Cana, Chief of Police.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page