top of page

Magsasaka na wanted person, dinakip ng awtoridad sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte sa bisa ng warrant of arrest kaugnay sa kasong murder at attempted murder

  • Teddy Borja
  • Feb 4
  • 1 min read

iMINDSPH



Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Aratuc”, 44-anyos, may asawa at isang magsasaka, residente ng Brgy. Macaguiling, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.


Inaresto ang suspek alas-1:30 ng hapon ng January 30, 2026 sa bisa ng warrant of arrest dahil sa paglabag sa Article 248 ng Revised Penal Code o Murder at Attempted Murder, na may Criminal Case No. 2012-4722, na inilabas noong August 31, 2012 ng Regional Trial Court Branch 13, Cotabato City.


Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Sultan Kudarat Municipal Police Station sa pangunguna ni PLTCOL Esmael Madin, katuwang ang PIU MDNPPO, 1401st RMFB14-A, RIU15, at 4th Maneuver Platoon ng 1st PMFC MDN.


Ang naarestong wanted person ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Sultan Kudarat MPS para sa wastong dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page