Magsasaka na wanted person, nadakip ng awtoridad kaugnay sa kasong Grave Threats sa Matalam, Cotabato
- Teddy Borja
- Jan 30
- 1 min read
iMINDSPH

Isang magsasaka na wanted person ang tiklo ng mga awtoridad matapos ang pagsisilbi ng warrant of arrest kaugnay ng kasong Grave Threats.
Himas rehas ang ang suspek na kinilalang si alyas “Lar”, 49-anyos, binata, at residente ng Barangay Dalapitan, Matalam, Cotabato.
Isinagawa ang pag-aresto ng Matalam MPS Tracker Team bilang lead unit, katuwang ang CIDG 12 North Cotabato at ang North Cotabato Provincial Highway Patrol Team, sa bisa ng isang Warrant of Arrest para sa kasong Grave Threats sa ilalim ng Article 282 ng Revised Penal Code.
Ang warrant ay inisyu ng Presiding Judge ng MCTC, 12th Judicial Region, M’lang–Matalam, North Cotabato, noong Enero 19, 2026, sa ilalim ng Criminal Case Number 6398, para sa service of sentence.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Matalam Municipal Police Station ang akusado para sa tamang disposisyon at kaukulang dokumentasyon.



Comments