Magsasaka, nasawi matapos barilin habang sakay ng tricycle sa Barangay Pagagawan, Datu Montawal, Maguindanao del Sur
- Teddy Borja
- Jan 12
- 1 min read
iMINDSPH

Patay ang isang magsasaka matapos barilin ng hindi pa kilalang salarin habang sakay ng tricycle.
Naganap ang pamamaril, alas-11:10 ng umaga noong Enero 11, 2026.
Ayon sa ulat ng Datu Montawal Municipal Police Station (MPS), ang biktima ay may asawa, at residente ng Barangay Bulod.
Habang sakay ng tricycle ay ilang ulit umanong pinaputukan ang biktima, dahilan upang magtamo ito ng mga tama ng bala sa ulo.
Agad na isinugod ng rumespondeng mga pulis ang biktima sa USM Hospital para sa agarang lunas. Gayunman, idineklara itong dead on arrival ng attending physician bandang alas-11:35 ng umaga sa parehong araw.
Dalawang (2) basyo ng bala na hindi pa natutukoy na baril ang narekober sa lugar at isusumite sa PFU–Maguindanao del Sur para sa ballistic examination.
Nagsagawa rin ng pursuit operation ang mga tauhan ng Datu Montawal MPS katuwang ang 4th MP, 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), at nakipag-ugnayan sa mga karatig-bayan para sa posibleng pagkakakilanlan at pag-aresto sa tumakas na suspek.



Comments