top of page

Magsasaka, patay sa pamamaril sa Rajah Buayan, Maguindanao del Sur

  • Teddy Borja
  • Feb 2
  • 1 min read

iMINDSPH



Nasawi ang isang magsasaka matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Barangay Mileb, bayan ng Rajah Buayan.


Kinilala ang biktima na si alyas “Mandangan”, 39 years old, may asawa, magsasaka at residente ng naturang barangay.


Naganap ang insidente alas-12:40 ng tanghali ng February 1, 2026. Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Rajah Buayan Municipal Police Station sa pangunguna ni PCPT Joel Lebrilla, Officer-in-Charge, katuwang ang SSB MPS at 34th Infantry Battalion, Philippine Army.


Batay sa imbestigasyon, habang binabaybay ng biktima ang national highway sa Barangay Mileb, biglang sumulpot ang isang itim na motorcycle. Pinaputukan umano ng mga suspek ang biktima gamit ang hindi pa matukoy na kalibre ng baril. Tinamaan sa ulo ang biktima na agad niyang ikinasawi.


Wala namang nakuhang fired cartridge sa pinangyarihan ng krimen.


Pagdating ng mga awtoridad sa lugar, ang bangkay ng biktima ay nakuha na ng mga kaanak para sa agarang Muslim burial rites. Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang awtoridad sa pamilya ng biktima para sa mas malalim na imbestigasyon at pagkakakilanlan ng mga suspek.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page