Magsasaka sa Aleosan, Cotabato, arestado matapos isilbi ng awtoridad ang warrant of arrest sa kasong rape; Suspek, kabilang sa Top 9 Most Wanted ng bayan
- Teddy Borja
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang magsasaka na kabilang sa listahan ng Top 9 Most Wanted ng bayan dahil sa kasong rape
Kinilala ang suspek sa alyas na “Lito”, 34 taong gulang, residente ng Purok Sereguelas, Barangay New Leon, Aleosan, Cotabato.
Inaresto ang suspek alas 4:15 ng hapon, araw ng Lunes, June 2.
Ang Warrant of Arrest ay inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, 12th Judicial Region, Branch 18, Barangay Poblacion 8, Midsayap, Cotabato na may petsa na March 24, 2025.
Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso.
Dinala sa Aleosan MPS ang suspek para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.
Kommentare