Magsasaka sa Bagumbayan, Sultan Kudarat na nahaharap sa kasong 3 counts ng statutory rape, arestado
- Teddy Borja
- Oct 16
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang 20-anyos na magsasaka na nahaharap sa kasong 3 counts of statutory rape.
Ikinasa ang operasyon alas 9:30 ng umaga, araw ng Martes, October 14 sa Barangay Masiag.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, 12th Judicial Region, Branch 19, Isulan, Sultan Kudarat, na may petsa na September 9, 2025.
Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso.
Dinala na ang suspek sa Bagumbayan MPS para sa documentation at proper disposition.



Comments