Magsasaka, timbog sa Isulan, Sultan Kudarat sa kasong Statutory Rape
- Teddy Borja
- Sep 3
- 1 min read
iMINDSPH

Himas rehas ang isang magsasaka na kabilang sa top 10 Most Wanted ng Region 12 dahil sa kasong statutory rape.
Ang suspek ay 54-anyos na kinilala sa alyas na “Monte”.
Inaresto ito alas 9:30 ng gabi, araw ng Lunes, September 1, 2025 sa Barangay Kolambog, Isulan.
Naaresto si Monte sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape, na inilabas ni Judge Ferdinand Tugas ng Regional Trial Court, Branch 19, Isulan, Sultan Kudarat, noong Agosto a-28, 2025.
No bail recommended ang kaso ayon sa korte.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Isulan MPS ang akusado para sa tamang disposisyon.



Comments