MAGTATAYO NG PAARALAN SA FUGUTAN, TALAYAN ang provincial government ng Maguindanao del Sur; kalagayan ng isang primary school sa lugar, idinulog ng isang guro sa BARMM government
- 1 day ago
- 1 min read
iMINDSPH

Ito ang larawan ng primary school sa Fugutan, Talayan na idinulog ng isang guro sa BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua.
Agad nitong ipinatawag ang Schools Division Superintendent upang magsagawa ng beripikasyon hinggil sa ipinarating na impormasyon sa punong ministro.
Hinimok din ni Chief Minister Macacua ang Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) na magsagawa ng sariling beripikasyon.
Ito ay upang matiyak na naitataguyod na walang mag-aaral na Bangsamoro ang mapag-iiwanan.
Sa report ni Maguindanao del Sur SDS Alma Abdula-Nor, kinumpirma nito na ang paaralan ay patuloy na gumagana at ngayon ay isang kinikilalang primary school mula sa dating AKAP Learning Center, na nagsisilbi sa ating mga mag-aaral na Teduray.
Ipinakita rin ang kalagayan ng paaralan at ang pangangailangan para sa karagdagang silid-aralan, lalo na sa pagbubukas ng Grade 6.
Ang Talayan ay isa sa mga bayan ng Maguindanao del Sur. Hindi pa man gobernador noon, ayon kay Datu Ali Midtimbang, naipagawa niya ang barangay hall sa lugar at nabuksan ang daan.
Tinanong ng news team ang gobernador hinggil sa idinulog na sitwasyon ng isang guro ng Fugutan Primary School.
Ayon sa gobernador.
Isa aniya sa mga prayoridad sa bawat programa ng probinsya lalo na sa agrikultura ay ang mga IP.



Comments