top of page

Maguindanao del Norte at Cotabato City Rep. Bai Dimple Mastura Nagkaloob ng Wheelchair sa isang Residente sa ilalim ng LIMO Program

  • Jan 2
  • 1 min read

iMINDSPH


Kaloob ni Maguindanao del Norte at Cotabato City Rep. Bai Dimple Mastura ang wheelchair sa isang residente sa ilalim ng kanyang LIMO program.


Tulong ito ng mambabatas para sa patuloy na paggaling ng benepisyaryo na si Algen mula sa karamdaman sa pagsisimula ng bagong taon.


Ayon sa tanggapan ng mambabatas, ang assistance ay bahagi ng regular na serbisyong ibinibigay sa mga indibidwal na may pangangailangang medikal, partikular sa mga may limitadong kakayahang kumilos.


Kasalukuyang inaalagaan si Algen ng kanyang pamilya, at inaasahang makatutulong ang wheelchair sa araw-araw na pangangailangan nito at rehabilitasyon.


Patuloy naman ang tanggapan ni Congresswoman Mastura sa pagbibigay ng tulong medikal at social assistance sa mga residente ng LIMO bilang bahagi ng kanilang serbisyong panlipunan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page