top of page

Maguindanao del Norte Congresswoman Bai Dimple Mastura, kinilala ang mga ambag ng MSU Maguindanao sa kaunlaran ng Bangsamoro

  • Diane Hora
  • Oct 13
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Dumalo sa pagdiriwang ng ika-limampu’t dalawang taong anibersaryo ng Mindanao State University Maguindanao si Maguindanao del Norte with Cotabato City Congresswoman Bai Dimple Mastura.

Sa kanyang talumpati, binigyang pagkilala nito ang ambag ng unibersidad para sa progreso ng Bangsamoro.

Binigyang-diin din ni Congresswoman Mastura na ang MSU-Maguindanao ay isang haligi ng kapayapaan, katatagan at kahusayan sa edukasyon.

Pinuri rin niya ang unibersidad sa mga programang tulad ng Diploma on Women, Peace and Security at sa mga inisyatiba na nakatuon sa food security, climate resilience at rural agro-industrial development.


Aniya, hindi lamang ito mga programa sa papel, kundi mga konkretong hakbang na nagpapalalim sa ugnayan ng edukasyon at tunay na pagbabago sa komunidad.

Binigyang-pugay rin ng mambabatas ang MSU-Maguindanao sa pagtutulak ng moral governance at sa mahalagang papel nito sa paghubog ng mga bagong lider ng Bangsamoro.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page