top of page

Maguindanao del Norte Congresswoman Bai Dimple Mastura, nakipagpulong sa CHED upang makapagbigay pa ng maraming scholarship grant sa mga kabataan

  • Diane Hora
  • Oct 13
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Patuloy ang adbokasiya ni Maguindanao del Norte with Cotabato City Congresswoman Bai Dimple Mastura para sa edukasyong abot-kamay ng bawat kabataan sa pinamumunuan nitong distrito.

Kamakailan, nakipagpulong ang kongresista sa mga opisyal ng Commission on Higher Education upang talakayin ang pagpapalakas ng mga scholarship programs at educational support, lalo na para sa mga kabataang kapos sa pera.

Pinag-usapan din ng kongresista at CHED ang pagpapalawig ng mga programang nakatuon sa pinaka-mahihirap, lalo na sa mga estudyanteng madalas napag-iiwanan dahil sa hamon ng buhay.

Pinagtuunan din ng pansin ang gawing mas accessible ang tulong upang maraming kabataan ang makakapag-access nito lalo na ang mga nasa liblib at malalayong lugar.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page