Maguindanao del Norte Provincial Government, dumalo sa KL Genta 2025 Gala Night; Kulturang pagkakaisa at diplomasya sa rehiyon ng ASEAN, itinampok
- Diane Hora
- Oct 23
- 1 min read
iMINDSPH

Naging malaking karangalan para sa Provincial Government ng Maguindanao del Norte na makibahagi sa prestihiyosong KL GENTA 2025 Gala Night, isang pagtitipong naglalayong itaguyod ang cultural diplomacy at pandaigdigang pagkakaibigan.
Sa okasyong ito, pormal na nagpalitan ng mga token ng pagkakaibigan ang delegasyon ng Pilipinas at si Dato’ Seri Maimunah Mohd Sharif, Mayor ng Kuala Lumpur, bilang sagisag ng mayamang pamanang kultural ng dalawang bansa.
Sa mensaheng ipinahayag ni Provincial Administrator Datu Sharifudin Mastura, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng mga internasyonal na platapormang tulad ng KL GENTA sa pagpapalakas ng ugnayang pampulitika, panlipunan at pangkultura ng mga bansang ASEAN.
Aniya, ang ganitong mga kaganapan ay daan sa mas malalim na pag-unawa, respeto at pagtutulungan sa pagitan ng mga mamamayan ng Timog-Silangang Asya.
Sinaksihan sa gala night ang makulay na pagtatanghal at tradisyonal na sining.
Buong karangalan at pagmamalaki naman ang naging ambag ng Maguindanao del Norte, bilang kinatawan ng Pilipinas, sa pagtataguyod ng pagkakaisa at paggalang sa kultura sa buong ASEAN.



Comments