Maguindanao del Norte Provincial Government, magsasagawa ng convergence program sa bayan ng Barira at Matanog
- Diane Hora
- 4 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Pinangunahan ang pagpupulong ni Provincial Chief of Staff Bai Shajida Mastura, bilang kinatawan ni Governor Datu Tucao Mastura.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, layunin ng Convergence Program na ihatid diretso sa mga komunidad ang iba’t ibang proyekto at serbisyo ng probinsya, lalo na para sa mga mahihirap at higit na nangangailangan.
Binibigyang-diin ng administrasyon ng gobernador ang pagtutok sa konkretong tulong at pangmatagalang solusyon upang mapaunlad ang kabuhayan at kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Isasagawa sa Pebrero 11, 2026 ang convergence sa bayan ng Barira, Pebrero 12, 2026 naman sa bayan ng Matanog.
Inaanyayahan ang mga residente ng Barira at Matanog na makilahok at makibahagi sa programa upang direktang makinabang sa mga serbisyong ihahandog ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng DTOM o Development, Transformation, at Opportunity para sa Maguindanao del Norte.



Comments