Maguindanao Del Norte with Cotabato City Cong. Bai Dimple Mastura, naghandog ng libreng serbisyong medikal sa mga residente ng UPI
- Diane Hora
- Oct 20
- 1 min read
iMINDSPH

Isang outreach program ang isinagawa ni Maguindanao del Norte with Cotabato City Congresswoman Bai Dimple Mastura para sa mga residente ng Upi, MDN.
Katuwang rito ang Gender and Development Office ng Maguindanao del Norte at ang DCTM.
Layunin ng programa na maipaabot ang tulong-medikal, gamot at ayuda sa mga ka-LIMO.
Iba’t-ibang serbisyo tulad ng libreng check-up, konsultasyon, hanggang sa pamamahagi ng mga essential medicines gaya ng antibiotics para sa mga bata ang ibinigay ng grupo ni Cong. Mastura.
Sa ilalim ng inisyatibang LIMO o Livelihood, Intervention on Women, Medical Assistance, and Oplan Tulong, isinabay rin ang pagdiriwang ng Pink October para sa breast cancer awareness, isang paalala sa kahalagahan ng kalusugan ng kababaihan.
Bukod sa ayuda, hatid din ng programa ang edukasyon, empowerment at pag-asa.



Comments