Maguindanao del Norte with Cotabato City Congresswoman Bai Dimple Mastura, patuloy na itinataguyod ang SALAM Program sa komunidad
- Diane Hora
- Oct 22
- 1 min read
iMINDSPH

Sa layunin na mas mapalapit pa ang serbisyo at personal na masaksihan ang sitwasyon ng mga kababayan, patuloy ang pag-iikot ni Maguindanao del Norte with Cotabato City Congresswoman Bai Dimple Mastura na tinaguriang “Real-Life Darna”, sa mga sinasakupang komunidad.
Naghandog ng libreng gupit, medical assistance, legal consultation, feeding program, sapatos para sa mga bata at marami pang iba, sa ilalim ng SALAM: Serbisyo, Accessibility, Livelihood, Awakening of Spiritual Consciousness, at Modernization kung saan nabibigyan ng tulong at serbisyo ang mga kababayan sa probinsya at Cotabato City.
Ayon sa opisyal, ito ay hindi lang pangako, kundi tunay na pagkilos para sa taumbayan.



Comments