Maguindanao del Sur Enhanced Approach to Literacy o Project MEAL, inilunsad ng Maguindanao del Sur Schools Division
- Diane Hora
- Sep 8
- 1 min read
iMINDSPH

Inilunsad ng Schools Division ng Maguindanao del Sur ang Project MEAL o Maguindanao del Sur Enhanced Approach to Literacy.
Bahagi ito ng layunin na mapabuti at mapaunlad ang kalidad ng edukasyon para sa kabataang Bangsamoro.
Inilunsad ito, araw ng Huwebes, September 4 sa Campo Cuatro Elementary School.
Layon ng inisyatibang ito na paigtingin ang kakayahan sa pagbasa ng mga mag-aaral, partikular ang mga hindi pa marunong bumasa at mga nagsisimula pa lamang matuto.
Ang Project MEAL ay magsisilbing hakbang tungo sa mas inklusibo at progresibong edukasyon sa lalawigan, kasabay ng patuloy na pangangalaga sa karapatan ng bawat batang Bangsamoro na magkaroon ng de-kalidad na pag-aaral.



Comments