Maguindanao del Sur Kabilang sa 54 LGUs sa BARMM na Kinilala sa Disaster Preparedness
- Jan 2
- 1 min read
iMINDSPH

Kinilala ang Province of Maguindanao del Sur, sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), bilang isa sa 54 Local Government Units sa BARMM na pumasa sa isinagawang assessment ng Office of Civil Defense – BAR kaugnay ng performance ng mga Local Disaster Risk Reduction and Management Councils at Offices (LDRRMCs/LDRRMOs).
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, ang pagkilalang ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng lalawigan na palakasin ang mga sistema ng disaster risk reduction and management, at isulong ang kaligtasan, kahandaan, at katatagan ng mga komunidad.
Nagpahayag din ng pasasalamat ang pamahalaang panlalawigan sa OCD–BAR sa kanilang gabay at pagkilala, gayundin sa mga katuwang na ahensya at organisasyon na tumulong sa pagpapatupad ng mga DRRM programs at inisyatiba.
Ipinahayag rin ang pasasalamat kay Governor Datu Ali Midtimbang sa patuloy na suporta at pamumuno sa mga programang pangkahandaan sa sakuna ng lalawigan.
Ayon sa PDRRMO, nagsisilbing inspirasyon ang naturang pagkilala upang lalo pang paigtingin ang serbisyo publiko at patuloy na magtayo ng mas ligtas at mas matatag na Maguindanao del Sur.



Comments