top of page

Maguindanao del Sur Provincial Government, ginawaran ng “Beyond Compliant” award ng Regional DRMM

  • Diane Hora
  • Jan 28
  • 1 min read

iMINDSPH


Tinanggap ng provincial government ng Maguindanao del Sur ang Plaque of Recognition na may “Beyond Compliant” mula sa Office of Civil Defense BARMM.


Tinanggap ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office – Maguindanao del Sur (PDRRMO) ang parangal sa ginanap na Regional Disaster Risk Reduction and Management recognition ceremony.


Kinikilala ang matatag na pamumuno, malinaw na sistema, at tuloy-tuloy na dedikasyon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur sa pagpapalakas ng kahandaan, pagtugon, rehabilitasyon, at resilience-building ng mga komunidad laban sa mga sakuna.


Binigyang-diin na ang pagkilalang ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng pamunuan ng lalawigan, mga disaster responders, development partners, at iba’t ibang stakeholders na patuloy na nagsusulong ng kultura ng kahandaan at mabilis na serbisyo sa panahon ng krisis.


Ipinahayag ng Pamahalaang Panlalawigan na ang parangal ay hindi lamang tagumpay ng isang tanggapan kundi ng buong lalawigan, na patuloy na nagkakaisa upang matiyak ang kaligtasan, katatagan, at kapakanan ng mamamayan ng Maguindanao del Sur.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page