top of page

Maguindanao del Sur Provincial Government, handog ang libreng gupit, hair treatment, manicure-pedicure at foot spa sa mga daan-daang volunteer teachers sa lalawigan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Wor

  • Diane Hora
  • Oct 20
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Masayang ipinagdiwang ngayong araw ng Maguindanao del Sur Province ang World Teacher’s Day, sa Municipal Gymnasium, Talayan, Maguindanao Del Sur.


Ang selebrasyon ay pinangunahan ni Governor Datu Ali Midtimbang, Vice Governor Hisham Nando at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan.


Hatid ng pamahalaang panlalawigan ang pasasalamat sa mga volunteer teachers sa probinsya sa pamamagitan ng libreng medical at dental services, Hair Consultation, Libreng gupit, Hair Treatment, Manicure, Pedicure at Foot Spa.


Tumanggap rin ng tig-limang libong piso na cash assistance ang mga guro mula sa AKAP Program ng DSWD.


Nagpapasalamat rin ang mga guro at masayang tinanggap ang pasorpresang bulaklak na handog ng pamahalaang panlalawigan.


Sa ilalim ng flagship program ni Governor Datu Ali Midtimbang na GIVE HEART, isa ang edukasyon sa mga itinataguyod ng gobernador.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page