top of page

Maguindanao del Sur Provincial Government, nagsagawa ng relief distribution sa mga pamilyang apektado ng gulo sa Datu Hoffer

  • Diane Hora
  • Jan 30
  • 1 min read

iMINDSPH



Isinagawa nitong Enero 30, 2026 ang relief distribution para sa mga pamilyang apektado ng insidente ng kaguluhan sa Barangay Tuayan, Datu Hoffer, Maguindanao del Sur.


Pinangunahan ito ni ng provincial government ng MagSur sa pangunguna ng PDRRMO, MDRRMO Datu Hoffer, LGU Datu Hoffer, LGU Barangay Tuayan, at mga pwersa ng kapulisan at militar.


Ang aktibidad ay isinagawa alinsunod sa direktiba ni Governor Datu Ali Midtimbang.


Layunin ng pamamahagi ng tulong na agarang matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan at maipakita ang sama-samang pagkilos ng pamahalaan, kapulisan, militar, at lokal na pamahalaan sa gitna ng krisis.


Tiniyak ng mga awtoridad na magpapatuloy ang koordinasyon at pagbabantay sa sitwasyon upang masigurong ligtas ang komunidad at tuluy-tuloy ang pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page