Maguindanao del Sur Provincial Government, nakiisa sa paggunita ng World Hijab Day
- Diane Hora
- Feb 2
- 1 min read
iMINDSPH

Sa pahayag, binigyang-diin ng pamahalaang panlalawigan na ang hijab ay higit pa sa isang kasuotan. Ito ay sumasagisag sa pananampalataya, identidad, katatagan, at empowerment ng kababaihang Muslim—mga pagpapahalagang patuloy na pinahahalagahan at iginagalang sa lalawigan.
Hinimok din ng Pamahalaang Panlalawigan ang mas malalim na pag-unawa at paggalang sa pagkakaiba-iba ng kultura at paniniwala, kasabay ng paninindigan para sa kalayaan sa pananampalataya at pagpapahayag ng sarili.



Comments