Magulang ng 12-day-old na sanggol, arestado sa San Jose del Monte, Bulacan dahil umano sa pagbebenta ng kanilang anak
- Teddy Borja
- 7 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang mag-asawa sa isinagawang entrapment operation matapos umano ibenta ang kanilang 12-day-old na anak sa San Jose del Monte City.
Ayon sa ulat ng pulisya, naaresto ang mga magulang matapos tumanggap ng halagang ₱15,000.00 bilang kabayaran sa tangkang pagbebenta ng kanilang sanggol.
Napag-alaman na balak umano ng mag-asawa na gamitin ang pera upang magsimula ng maliit na negosyo. Agad namang isinailalim sa medical evaluation at protective custody ng National Authority for Child Care ang 12-araw-gulang na sanggol upang matiyak ang kaligtasan at kalusugan nito.
Ang mga naarestong magulang ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9208, na inamyendahan ng RA 10164 at RA 11862 o ang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act, gayundin sa Republic Act No. 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.



Comments