top of page

Walang ARMM at BARMM kung hindi dahil sa mga sakripisyo ng mga mujahideen at mga nilagdaang kasunduan kabilang na ang 1996 GRP-MNLF Final Peace Agreement, 1976 GRP-MNLF-OIC Tripoli Agreement at CAB

  • Diane Hora
  • Sep 2
  • 2 min read

iMINDSPH


ree

Sa ika-dalawampu’t siyam na taong anibersaryo ng 1996 GRP-MNLF Final Peace Agreement at sa 1976 GRP-MNLF-OIC Tripoli Agreement-


Inaala ng Mahardika Party, ang Parliamentary Political Party ni MNLF Fouding Leader at MNLF Central Committee Chair Nur Misuari ang buhay, dugo at pawis na anila’y naging puhunan ng mga mujahideen at martir upang magkaroon ng mga kasunduang ito kabilang na ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro o CAB.


September 2, 1996 nang lagdaan ang Final Peace Agreement na tinawag din na Jakarta Accord kasama ang partisipasyon ng Organization of Islamic Cooperation (OIC) sa pangunguna ni MNLF founding chairman, Prof. Nur Misuari.


Ayon sa Mardika Party, ang FPA ay resulta ng ilang dekadang pakikibaka sa pangunguna ng MNLF para sa right to self-determination ng Bangsamoro.


Ayon sa partido, bago ito, ilang kasunduan na rin ang nauna. Taong 1976 ng nagkaroon ng paglagda ng kasunduan sa Tripoli, Libya kung saan nagkasundo ang national government at MNLF para sa isang regional autonomy sa Muslim Mindanao.


Sinunduan ito ng 1987 Jeddah Accord na muling binigyang diin ang panawagan ng awtonomiya sa Mindanao. Ang mga kasunduang ito, kasama ang FPA, ay naglatag ng landas patungo sa pagkakabuo ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), at kalaunan, ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na siyang kasalukuyang nagsisilbing regional government ng Bangsamoro.


Patuloy anila na nananawagan ang MNLF, kasama ang lahat sa Bangsamoro, na maisakatuparan ang mga nalalabing probisyon ng mga kasunduan.


Ayon sa partido, Walang ARMM at walang BARMM kung hindi dahil anila sa mga sakripisyo at mga kasunduang ito.


Nanawagan din ang Mahardika Party sa lahat na maging mapanuri at makilahok sa nalalapit na makasaysayan at kauna-unahang halalan sa rehiyon sa October 13.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page