Mahigit 1,000 benepisyaryo ng TUPAD Program sa BARMM, tinanggap na ang kanilang financial assistance mula sa MOLE
- 2 days ago
- 2 min read
iMINDSPH

Ang TUPAD progam ay bahagi ng Department of Labor and Employment Integrated Livelihood and Emergency Employment Program o DILEEP nakatuon sa emergency employment para sa mga displaced, underemployed, at seasonal workers.
Noong Pebrero 5, 2026, nagsanib-puwersa ang MOLE at DOLE-Region 9 sa isinagawang financial payout para sa 332 Bangsamoro beneficiaries na nasa labas ng BARMM at kaanib ng MNLF at MILF communities sa Region 9. Ginawa ito sa Pasonanca Covered Court, Zamboanga City. Bawat benepisyaryo ay tumanggap ng Php 4,140 matapos ang 10 araw na community-based work.
Samantala, 558 MNLF community members din ang nabigyan ng 20 araw na trabaho sa ilalim ng TUPAD sa koordinasyon ng DOLE Cotabato Provincial Field Office, na tumanggap ng kanilang kabayaran noong ikatlong linggo ng Disyembre 2025.
Noong Disyembre 22 23, 2025, nagsagawa ng payout ang MOLE SGA Field Office sa Kabacan at Cotabato City para sa 400 beneficiaries kabilang ang flood-affected barangays at ilang former combatants. Bawat isa ay tumanggap ng Php5,115 kapalit ng gawaing tulad ng desilting ng canals, paglilinis ng paaralan, health centers, mosques, at barangay roads.
Sa Tawi-Tawi, 50 benepisyaryo mula Panglima Sugala ang nabigyan ng tulong noong Disyembre 22, sinundan ng 100 benepisyaryo mula sa Madinatul Badjao Complex, Simunul noong Disyembre 23. Mula Disyembre 23 hanggang 24, 200 benepisyaryo mula sa MNLF communities at 50 walk-ins ang tumanggap ng stipend sa parehong programa.
Pagsapit ng Enero 8, 2026, isinagawa ang payout sa Basilan para sa 400 benepisyaryo tig-Php5,040 bawat isa para sa 15 araw na community sanitation service. Ginanap ito sa Maluso Town Hall at Datu Dizal Cultural Center sa Lamitan City. Sa Sulu, 400 benepisyaryo naman ang tumanggap ng Php5,040 bawat isa sa Jolo Municipal Tennis Court, katuwang ang Jolo Municipal Government.
Ayon sa MOLE, hindi lang trabaho ang hatid ng TUPAD kundi kabuhayan, kaayusan, at kapayapaan. Sa pamumuno ni Labor Minister Muslimin Bapa Mus Sema, ayon sa ministry, patuloy na itinataguyod ng MOLE-BARMM ang disenteng, produktibo, at napapanatiling trabaho para sa mas matatag na komunidad at mas maunlad na Bangsamoro.



Comments