Mahigit 1,000 morit mula sa 15 madrasah, lumahok sa 22nd cultural and Sports Musabaqah-Tradisyunal na Madrasah Baladiyyah sa Sultan Mastura, Maguindanao del Norte
- Diane Hora
- Oct 7
- 1 min read
iMINDSPH

Nagtagisan ng galing ang mga kalahok sa pagbubukas ng 22nd Cultural and Sports Musabaqah-Traditional Madrasah Baladiyyah, na dinaluhan ng iba’t ibang opisyal, Madrasah Teachers, at kabataang mag-aaral mula sa iba’t ibang barangay.
Itinataguyod ang nasabing programa sa pangunguna ni Mayor Datu Armando Mastura, Al-hadj, at kasalukuyang General Adviser ng Arabic Teacher Council, na nagsilbing pangunahing sponsor at inspirasyon sa kaganapan.
Dumalo rin sa pagbubukas ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, kabilang sina Vice Mayor Esmael Buradtong at mga Konsehal na sina Yusuf Abbas, Sweeb Mala, Sadat Odin, Esmael Siaman, at Faisal Mustapha, kasama ang 13 Punong Barangay ng Sultan Mastura.
Nakiisa rin sa kaganapan sina Ustadz Haron Alimpang, Municipal Deputy Administrator ; Shiek Abdulrauf Bukua, Chairman ng Islamic Education ng Maguindanao; gayundin sina Professor Mahdi at Vice Chairman Abinor Kanakan.
Isinagawa ito araw ng Sabado at Linggo, Oktubre 4 hanggang Oktubre 5, 2025 simula alas-7 ng umaga.
Patunay ito na sa pangunguna ni Mayor Datu Armando Mastura, Al-hadj, patuloy na isinusulong ang pagpapayabong ng tradisyong kultural, at pagpapatibay ng ugnayan ng mga mamamayan sa Sultan Mastura.



Comments