top of page

Mahigit 1,000 residente ng Datu Saudi Ampatuan, benepisyaryo sa patuloy na libreng serbisyong pangkalusugan ng provincial government ng Maguindanao del Sur

iMINDSPH


Libreng konsultasyon sa doktor at libreng gamot para sa tatlong daan at dalawang residente ng Datu Saudi Ampatuan, kung saan siyamnapu’t lima ay mga bata



Libreng bunot ng ngipin at libreng check din para sa tatlumpo’t dalawang residente.



Limampu’t tatlo naman ang nakapagpatuli ng libre, isang daan at apatnapu’t lima ang nabigyan ng salamin pambasa, tatlong daang residente ang nabigyan ng tsinelas at limang daan ang benepisyaryo ng feeding program.



Pinangunahan ng alkalde ng bayan Edris Sindatok ang Medical at Outreach Program kasama ang mga konsehal at ilang tumatakbong board members ng lalawigan.



Pasasalamat naman ang ipinaabot ng alkalde kay Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu sa tulong na natanggap



Ang libreng serbisyong pangkalusugan ang isa sa mga flagship programs na patuloy na itinataguyod ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page