iMINDSPH

Sa barangay ng Kitango, Datu Saudi Ampatuan naman tumungo ang medical team ng Maguinanao del Sur Provincial Government para maghatid ng Libreng Serbisyong Pangkalusugan.

192 adult patients at 67 na mga bata ang nakapagpakonsulta ng libre at nabigyan ng gamot ng mga doktor.

28 ang nakapagpacheck up at nagkapabunot ng ngipin.

39 residente ang nakapagpatuli.

145 na mga residente ang nabigyan ng bagong salamin pambasa.

Tatlong daang residente ang nabigyan ng bagong tsinelas at limang daan ang benepisyaryo ng feeding program.

Nagpapasalamat ang mga residente sa libreng serbisyong medikal na handog ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu.

Nakiisa sa medical at outreach program ang mga opisyal ng barangay at mga kandidato sa pagkaboard members.
Ang libreng serbisyong pangkalusugan ang isa sa mga flagship programs ng pamahalaang panlalawigan ng Maguindanao del Sur sa pamumuno ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu.
Patuloy na mag iikot ang medical team at maghahatid ng serbisyong medikal.
Comments